
Pansamantalang ipinahinto ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang operasyon ng lahat ng pampasaherong Motorbanca sa ruta ng Iloilo-Guimaras.
Kasunod ng paglubog ng tatlong bangka noong Sabado na ikinamatay ng hindi bababa sa 30 katao.
Ayon sa MARINA, iniimbestigahan na nila ang insidente.
Aalamin din nila kung ikinunsidera ba ang pinakahuling lagay ng panahon at kaukulang kalagayan ng kaligtasan sa pagbiyahe ng tatlong sasakyang pandagat.
Makikipag-ugnayan ang Regional Office ng MARINA sa Iloilo City sa Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Ports Authority (PPA) at lokal na pamahalaan kaugnay ng trahedya.
Una rito ay inutusan ng ahensya ang dalawang roro vessels sa pinangyarihan ng insidente na dalasan ang biyahe para tugunan ang pangangailangan ng mga pasahero.










