OPERASYON NG MGA NIGHTCLUB SA SUAL, SINURI KUNG SUMUSUNOD SA BATAS

Sinuri ng mga awtoridad ang pagsunod ng mga nightclub sa bayan ng Sual sa mga umiiral na batas, ordinansa, at regulasyon sa isinagawang joint inspection.

Pinangunahan ang inspeksyon ng mga opisina ng Sual Sanitation katuwang ang Business Permits and Licensing Office (BPLO), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Philippine National Police (PNP), Population Development Office (PopDev), at Legal Office.

Ayon sa mga kinauukulan, layunin ng aktibidad na matiyak na sumusunod ang mga establisyemento sa mga pamantayan kaugnay ng kalinisan, kaayusan, at kaligtasan, para sa kapakanan ng mga parokyano.

Kasama rin sa inspeksyon ang pakikipag-ugnayan sa mga may-ari at operator ng nightclubs upang ipabatid ang kanilang mga responsibilidad at ang mga dapat sundin sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo.

Patuloy namang paalala ng lokal na pamahalaan na ang regular na inspeksyon ay bahagi ng pagpapatupad ng mga regulasyon upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments