Nagpapatuloy ang inspection at monitoring ng lokal na pamahalaan sa mga poultry farms sa bayan ng Manaoag.
Muling iginiit sa mga nag-ooperate ng mga poultry farms ang wastong pagtalima sa itinakdang Sanitation Code at iba pang kaukulang batas upang mapanatili ang kalinisan at kaligtasan sa bayan.
Nilinaw naman ng LGU na hindi umano basta-bastang maipapasara ang mga poultry farms dahil dadaan ito sa masusing proseso, kung may nilabag at iba pang salik na maaaring makaapekto rito.
Samantala, hiling ng ilang residente na mas paigtingin pa ang regulasyon sa mga ito o kaya naman umano ay ang mailipat ang mga ito na malayo mula sa mga residential houses. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









