MANILA – Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tuloy-tuloy ang kanilang isinasagawang operasyon laban sa mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Basilan.Ito ay matapos masawi ang 18 sundalo sa sampung oras na engkwentro noong Sabado, Abril 9.Sa interview ng RMN kay AFP Spokesperson Brig. General Restituto Padilla, sinabi niya na hindi sila titigil hanggat hindi nabibigyan ng hustisya ang mga nasawing sundalo.Aniya, pito ang napatay sa panig ng Abu Sayyaf kung saan narekober nila ang ilang armas mula sa bandidong grupo.Nilinaw din ni Padilla na hindi natuloy ang tangkang pamumugot ng mga Abu Sayyaf sa mga sundalo.Tinatayang nasa 120 bandido na pinaniniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf ang nakasagupa ng 44th IB noong Sabado ng umaga.Alas siyete na ng umaga nang ubusin ang isang platoon at opisyal nito, habang tumagal naman ang bakbakan hanggang alas singko ng hapon.
Operasyon Ng Militar Kontra Abu Sayyaf Sa Basilan, Tuloy -Tuloy Matapos Masawi Ang 18 Sundalo
Facebook Comments