Operasyon ng Militar kontra terorista sa Pawas suportado ng MILF BIAF

Hindi tayo ang target ng operasyon! Ito ang mariing inihayag ni Bangsamoro Islamic Armed Forces Spokesperson Von AlhAq sa lahat ng mga elemento ng BIAF MILF lalong lalo na sa mga sibilyan kasabay ng isinasagawang operasyon ng military sa Liguasan Marsh Area o Pawas Area.

Kaugnay nito, nauna na aniyang nagsagawa ng pagpupulong ang mga opisyales ng 6th ID, MILF CCCH at IMT upang maisigurong walang magiging miscoordination sa ground.

Kung kinakailangan aniyang magsagawa ng repositioning ang mga elemento ng BIAF sa ground ay nakahanda rin nila itong gawin para ipakita ang pagsuporta sa kampanya ng military alang- alang sa kapayapaan.


Hinihikayat rin ni Alhaq ang publiko lalong lalo na ang mga naapektuhang sibilyan na maging kalmado. Kaugnay nito nauna ng humihingi ng pag-unawa si 6th ID Commander BGen. Cirilito Sobejana sa lahat matapos na magkataong nailunsad ang law enforcement operation kontra sa grupo ng mga terorista sa pawas sa buwan ng Ramadan.

Samantala tinatayang nasa 20 na ang nasawi sa panig ni mga armadong grupo maliban pa sa mga naging wounded, habang isang PFC Garry Capada Quitor ng Alpha Company ng 33rd IB at tubong Pigcawayan, North Cotabato ang nasawi sa panig ng military.

6th ID Pic

Facebook Comments