MANILA – Pansamantalang itinigil ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang operasyon laban sa Maute group.Ito ay para magbigay daan sa paggunita ng mga muslim sa Ramadan.Ayon kay army 103rd Infantry Brigade Commander Colonel Roseller Murillo, bagama’t ititigil ang pagsalakay ay nanatili naman silang nakabantay sa grupo.Nagbabala naman si Murillo na sakaling may gawing krimen ang maute group ay hindi sila magdadalawang isip na umatake kahit pa kasagsagan ng Ramadan.Una nang makubkob ng militar ang kampong dating pagmamay-ari ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na napunta sa Maute group.
Facebook Comments