Manila, Philippines – Isang araw matapos na mapatay ng sariling bomba ng militar ang 11 sundalo ng Philippine Army, nagpatuloy ngayong ang operasyon laban sa teroristang Maute sa Marawi City.
Ginamit na ng gobyerno ang dalawa sa bagong fa-50 fighter jet para pasabugan ang sentro ng Marawi City na pinagkukutaan pa rin ng Maute Group.
Sa loob ng nasabing critical area, tinatayang may isang libong residente pa ang ipit at nangangailangan ng rescue.
Ayon kay afp 1st ID Spokesman Lt. Cil Jo-Ar Herrera – bagaman may mga safe zones nang idineklara ang AFP, mas makabubuting huwag na munang umuwi.
Sa Mindanao hour sa Malacañang – kinumpirma ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na umabot na sa 175 ang nasawi sa krisis sa Marawi.
Wala pa naman katiyakan ang opisyal kung kailan matatapos ang krisis sa Marawi.
DZXL558