Operasyon ng militar sa Marawi, hindi ipinatigil ng Pangulo

Manila, Philippines – Nilinaw ng Palasyo ng Malacanang na hindi iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ihinto ang operasyon ng Militar sa Marawi City para labanan ang teroristang Maute group.

Ito ang sinabi ng Malacanang sa harap narin ng lumabas sa pahayagan ngayon na iniutos umano ni Pangulong Duterte na itigil muna ang operasyong sa nasabing lungsod.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang katotohanan ang lumabas sa pahayagan at patunay lamang dito ang pananatili ng militar sa Marawi.


Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address na kailangang tiyakin ang kaligtasan ng mga bihag ng Maute na aabot pa sa 300 na dahilan aniya kung bakit tumatagal ang bakbakan sa pagitan ng militar at Maute.

Facebook Comments