Operasyon ng MRT-3, balik normal na matapos na magpatupad ng provisional service sa pagitan ng North Avenue at Shaw Boulevard stations

Manila, Philippines – Alas-7:39 kaninang umaga nang maibalik na sa normal ang operasyon ng Metro Rail Transit Line-3 matapos na magpatupad ng provisional service sa pagitan ng North Avenue at Shaw Boulevard stations.

Ito ay dahil sa ‘door failure’ sa tren na bumiyahe sa pagitan ng Magallanes at Ayala Stations ganap na alas-7:00 kanina.

Naibalik na sa MRT-3 depot sa Quezon City ang depektibong tren.


Facebook Comments