Balik na sa normal ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT-3) bandang alas-1:30 ng tanghali.
Kasunod ito ng umano ay pagtalon ng isang babaeng pasahero sa riles ng MRT-3 sa Quezon Avenue station.
Naalis na ang babae sa pinangyarihang lugar at dinala na sa pagamutan ng East Avenue Medical Center.
Bandang alas-11:57 kaninang umaga ng mangyari ang insidente sa southbound lane ng riles habang papalapit ang tren sa istasyon ng Quezon Avenue.
Bunga nito, nagpatupad ng provisionary service ang pamunuan ng MRT-3 sa pagitan ng Shaw Station at Taft Avenue Station dakong alas-12:03.
Facebook Comments