Operasyon ng MRT-3, limang araw na sarado sa Holy Week 

Inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na suspendido ang operasyon ng MRT-3 sa darating na mahal na araw.
Sa abiso ng DOTr, suspendido ng Miyerkules Santo hanggang Linggo ng pagkabuhay o Abril 13 hanggang Abrill 17 ang operasyon ng MRT-3.
Nabatid na sinuspinde ng DOTr ang operasyon ng MRT-3 upang bigyang-daan ang pagsasagawa ng taunang maintenance shutdown tuwing mahal na araw.

Magbabalik naman ang operasyon ng lahat ng istasyon ng MRT-3 sa Abril 18, 2022 (Lunes) kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero matapos ang kani-kanilang bakasyon.
Dahil dito, humihingi ng pang-unawa ang pamunuan ng MRT-3 sa publiko sa mga gagawing pagsasa-ayos ng kanilang mga istasyon.
Facebook Comments