Operasyon ng MRT-3, pansamantalang ititigil sa darating na ika-31 ng Oktubre hanggang ika-2 ng Nobyembre 2020 ayon sa DOTr

37

Inihayag ng pamunuan ng Department of Transportation na magpapatupad ng temporary shutdown ng operasyon ang Metro Rail Transit Line-3 o MRT-3 mula ika-31 ng Oktubre hanggang ika-2 ng Nobyembre 2020.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, pakay nito na magbigay-daan sa gagawing bushing replacement sa depot at turnout activity sa Taft Avenue Station.


Ipagpapatuloy rin aniya ang ginagawang pagsasaayos at pagpapalit ng mga turnouts sa naturang estasyon.

Ang mga aktibidad na ito aniya ay bahagi ng ginagawang massive rehabilitation at maintenance sa buong linya ng MRT-3 ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries, ang maintenance provider ng naturang railway system.

Facebook Comments