Inihayag ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na pansamatalang isususpinde ang operasyon nito sa darating na Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2.
Ayon kay Engr. Mike Capati, Director for Operations ng MRT-3, na ito ay upang magbigay-daan sa gagawing bushing replacement sa depot at turnout activity sa Taft Avenue station ng Sumitomo-MHI-TESP.
Aniya, parte ng bushing replacement ng 34.5-kilovolt alternating current switch gear ay ang pagsasayos ng bus tie na nagbibigay ng supply ng kuryente sa depot mula sa Meralco power source nito sa Balintawak at Diliman, at pagkukumpuni ng isang panel na mayroong 12 bushing unit.
Kaya naman hinihikayat ni Engr. Capati ang mga mananakay ng MRT-3 na gumamit o tangkilikin lang muna ang mga augmentation bus ng MRT-3 o EDSA Busway.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng pagpapatupad ng 50kph simula sa Lunes, November 3.