
Inatasan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary ang pamunuan ng Metro Rail Transit o MRT-3 na palawigin ng isang oras ang operasyon ng tren.
Kasunod ito ng inspeksyon ni Transportation Secretary Vince Dizon sa MRT-3 kaninang umaga mula Taft Avenue hanggang Ayala Station.
Bunga nito, magiging 10:30 PM na ang last trip ng tren mula sa North Avenue station mula sa dating 9:30 PM.
Magiging 11:11 PM naman ang last trip mula sa Taft Avenue station papuntang North Avenue mula sa dating 10:11 PM.
Magdadagdag din ng isang tren tuwing rush hour para makasakay ang mas maraming pasahero.
Facebook Comments









