Kinumpirma ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang muling pagbubukas ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3 para sa international flight operations epektibo sa July 8, 2020.
Nangangahulugan ito na sa July 8, 2020 ay ibabalik na sa NAIA Terminal 3 ang operasyon ng international airlines na unang narelocate sa NAIA 1.
Kabilang sa international carriers na nag-o-operate sa NAIA 3 ay ang All Nippon Airways (ANA), Air Asia Berhad (AK), Cathay Pacific (CX), Emirates (EK), KLM Royal Dutch Airlines (KLM), Qatar Airways (QR), Singapore Airlines (SQ) at Turkish Airlines (TK).
Samantala, ang NAIA Terminal 2 naman ay para lamang sa lahat na arrival flights ng Philippine Airlines.
Pero ang Philippine Airlines (PAL) international departures ay NAIA Terminal 1 pa rin.
Mananatili naman sa NAIA Terminal 1 ang operasyon ng international flights ng Air China (CA), Air Niugini (PX), Asiana Airlines (OZ), China Airlines (CI), China Eastern (MU), China Southern (CZ), Etihad Airways (EY), Eva Air (BR), Ethiopian Airlines (ET), Gulf Air (GF), Hong Kong Airlines, Japan Airlines (JL), Jeju Air (7C), Jetstar Asia (3K), Jetstar Japan (GK), Korean Airlines (KE), Kuwait Airways (KU), Malaysian Airlines (MH), Oman Air (WY), Royal Brunei Airlines (BI), Saudia Airlines (SV), Scoot (TR), Thai Airways (TG) at Xiamen Air.
Ang domestic operations naman ng Cebu Pacific (5J), Cebgo (DG), Philippines Air Asia (Z2) at Air Swift gayundin ang PAL Express (2P) ay mananatili sa NAIA 3.
Ang NAIA Terminal 4 naman ay mananatili munang sarado hanggat walang abiso.