Operasyon ng NGCP, handang kunin ng TransCo sakaling tuluyang kanselahin ng Kongreso ang prangkisa nito

Handa ang National Transmission Commission (TransCo) na i-take over ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sakaling bawiin ng Kongreso ang prangkisa ng transmission business.

Ayon sa kinatawan ng TransCo na humarap sa pagdinig ng Senado na si Atty. Donna Caloza-Aleria, hindi na bago ang mga isyu patungkol sa NGCP at natalakay na rin ito kahit noon pang nakaraang Kongreso.

Ilan lamang sa isyu sa NGCP ang national security threat dahil sa 40 percent ng korporasyon ay pag-aari ng China at posibleng ma-access at makontrol ng China “remotely” ang ating transmission facilities.


Tiniyak ni Caloza-Aleria na sakaling tanggalan ng prangkisa ang NGCP ay may sapat silang kakayahan para kunin ang transmission business at ang pag-take over ng gobyerno ay nakapaloob din naman sa concession agreement.

Sinabi naman ni Senator Raffy Tulfo na mayroong 50 taon na prangkisa na iginawad ang Kongreso sa NGCP noong 2009.

Pinagsusumite niya ang NGCP ng mga dokumento para mapag-aralan kung sapat na ba para kanselahin ang kanilang prangkisa.

Kung susuriin aniya, marami nang paglabag ang NGCP kabilang dito ang hindi pagtugon sa requirements para sa paggawa ng system development gayundin sa connectivity.

Facebook Comments