Itinaas na sa Blue Alert Status ang operasyon ng Office of the Civil Defense Ilocos dahil sa posibleng pagtawid ni Bagyong Ofel sa ilang bahagi ng Ilocos Region.
Sa forecast track ng PAGASA, posibleng magpaulan ang bagyo sa mga probinsya ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.
Dahil dito, nagsagawa na ng pre-disaster risk assessment meeting ang mga member agencies ng Office of the Civil Defense Region 1, kahapon.
Nakaalerto na rin ang mga provincial DRRMOs sa banta ng bagyo.
Inihayag naman na ng DSWD Region 1 na sapat ang kanilang stockpiles bilang augmentasyon sa mga maaapektuhang residente kahit pa sunod-sunod ang bagyo. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments