Operasyon ng Online Sabong at Bullfighting sa Pasig sinalakay, 19 na katao arestado

Manila, Philippines – Arestado ang 19 na katao kasama ang ilang Malaysian at Singaporean Nationals na nag ooperate ng On Line Sabong at Bullfighting sa dalawang lugar sa Ortigas, Pasig City.

Ayon kay Police Sernio Inspector Artemio Cinco Jr. – tagapagsalita ng PNP ACG, sinalakay nila ang dalawang lugar batay sa ipinalabas na Search Warrant ng korte.

Ito ay ang Pacific Creative Solutions, Inc., sa Emerald Ave at Plus 65 Technologies Corp. sa Julia Vargas Ave, Ortigas, Pasig City.


Sinabi pa ni Sinco, isang dating empleyado na hindi umano tumanggap ng tamang sahod ang nagsumbong sa kanila.

Sa operasyon naaresto ang Malaysian national na si Leow Wai Pin at 18 pinoy na kaniyang mga tauhan.

Ayon sa opisyal iligal ang ginagawa ng mga ito dahil wala silang permit mula sa PAGCOR.

Ang modus ng mga ito ay nagpapalabas ng live na Sabong sa Pilipinas at Bullfighting mula Indonesia at kumukuha ng pusta Online mula sa ibang bansa gaya ng China, Indonesia at Malaysia.

Paglabag sa Anti-Gambling Law at RA 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 ang isasampang kaso sa mga suspek.

Facebook Comments