Operasyon ng Oplan Pag-Abot sa Pasko ng DSWD, tatapusin na bukas

Tatapusin na bukas, Disyembre 31 ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang operasyon ng Oplan Pag-Abot sa Pasko ngayong panahon ng kapaskuhan.

Pero nilinaw ng DSWD na magtuloy-tuloy ang regular na Oplan Pag-Abot reach out operations sa National Capital Region (NCR).

Bago ang huling araw ng Oplan Pag-Abot sa Pasko ay naglibot pa sa Metro Manila ang mga miyembro ng Pag-Abot team para ma-reach out ang mga pamilya at indibidwal na nakatira sa mga lansangan.


Ayon sa DSWD, ilan pang pamilya at indibidwal ang kanilang natagpuan sa Cubao at Barangay Kaligayahan sa Quezon City.

Maingat na ipinaliwanag sa mga ito ang layunin ng Oplan Pag-Abot at ang iba’t ibang interbensyon na maibibigay nito.

Facebook Comments