Tiwala si House Economic Affairs Committee Chairman Sharon Garin na mapapanumbalik ng bagong Public Service Act ang operasyon ng Panay railway.
Kumpiyansa ang kongresista na lalo pang mapapaganda ang naturang railroad line dahil na rin sa mas maraming investors na ang maaaring papasukin sa mga industriya na dati ay sarado para sa mga dayuhang mamumuhunan.
Sa taya pa ng mambabatas, aabot sa ₱299 billion ang papasok na foreign direct investment sa bansa na magdudulot ng modernisasyon at pagpapalawak sa ating railway system.
Pinaniniwalaang magreresulta rin ito sa mas mabilis na transportasyon at dagdag trabaho para sa mga Pilipino.
Magugunitang 1985 pa ng huling nag-operate ang Panay railway na bumabaybay mula Iloilo City hanggang Roxas City.
Facebook Comments