Operasyon ng Pasig River Ferry, pansamantalang ititigil bukas

Suspendido bukas ang operasyon ng Pasig River Ferry Service para bigyang-daan ang paglilinis at pagsasaayos ng mga ferry boat at ferry stations.

Kasunod ito ng isinagawang clean-up operations sa kahabaan ng pasig river para sa mas malinis na ilog at maayos na operasyon ng Pasig River Ferry Service.

Karamihan sa mga nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay basurang mula sa mga kabahayan tulad ng plastic bottles at iba pa na single-use plastics.

Dahil dito, hinihikayat ang lahat nang nakatira malapit sa Pasig River na maging responsable sa pagtatapon ng basura at magkaroon ng malasakit sa kapaligiran.

Magbabalik sa normal na operasyon ang Pasig River Ferry Service sa Lunes mula alas siete ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi.

Facebook Comments