Inihayag ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa publiko na limitado ang operasyon ng Pasig River Ferry Service sa Hunyo 30 sa araw ng inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon sa MMDA, kabilang sa mga lilimitahan ang operasyon mula Pinagbuhatan Station hanggang Sta. Ana Station.
Sa araw ng inagurasyon, magpapatupad ang Philippine Coast Guard (PCG) ng “No Sail Zone” sa ilang bahagi ng Ilog Pasig, partikular sa Pier 13 Muelle De San Francisco, Port Area Manila, Mabini Bridge, Ayala Bridge, at Malacañang.
Ibabalik naman sa normal ang operasyon sa lahat ng stasyon ng Pasig River ferry service kinabukasan.
Facebook Comments