Pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng Pasig River Ferry Service (PRFS) simula kahapon matapos ideklara ang Signal Number 1 sa Metro Manila na dulot ng Bagyong Pepito.
Batay sa abiso na inilabas ng Metropolitan Development Authority (MMDA), hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik ang operasyon ng PRFS.
Tinitiyak naman ng MMDA na agad nilang ibabalik ang full operation ng PRFS kung siguradong bumuti na ang lagay ng panahon.
Pahayag pa ng ahensya na ang nasabing hakbang ay ginawa para sa kaligtasan ng mga pasahero at mga manggagawa nito.
Sa ngayon, inalis na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal sa Metro Manila pero makararanas pa rin ito ng mahina hanggang katamtaman na may pagbugsong buhos ng ulan na maaari namang magdulot ng baha at landslide.