Operasyon ng PCG sa oil spill sa Oriental Mindoro, tuloy pa rin kahit pa Semana Santa

Tuloy-tuloy ang operasyon sa oil spill sa Oriental Mindoro, sa kabila ng paggunita ng Semana Santa.

Ito ang tiniyak ng Philippine Coast Guard o PCG.

Sa huling update na inilabas ng PCG, naka-deploy pa rin ang kanilang mga personnel ng sa lugar, partikular ang mga nakatoka sa shoreline assessment clean-up, at mga miyembro offshore response team at Coast Guard Marine Science Technicians.


Katuwang naman ng PCG ang mga personnel ng Philippine Army, volunteers mula sa mga lokal na pamahalaan, mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Environment and Natural Resources (DENR), at iba pa.

Ayon sa PCG, ang kabuuang nakolekta mula sa pagtagas ng langis ay nasa 15,783 na litro ng “oily water mixture” at 175 na sako ng oil contaminated materials sa offshore oil spill response operations.

Habang para sa shoreline response ay nakakolekta ang PCG ng higit ng 4,500 na sako at 22 drums ng mga basura mula sa 13 apektadong barangays sa Naujan, Bulalacao, at Pola, Oriental Mindoro, mula March 1 hanggang April 3, 2023.

Facebook Comments