Planong buhayin ng Bureau of Customs (BOC) ang operasyon ng Philippine Customs Laboratory (PCL).
Ito ay upang masuri ng maayos ang mga produktong kemikal na pumasok sa bansa at matukoy ang nararapat na buwis para sa mga imported na produkto.
Ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, kabilang sa natalakay sa nakalipas na training program ng Korea International Corporation Agency ang pagbuhay sa PCL.
Aniya, isang oportunidad ito upang mapalakas ang border security, mapataas ang revenue collection, at lalo pang pagtibayin ang international cooperation sa hanay ng customs.
Dagdag pa ni Rubio, malaking tulong ito sa modernasyon at mas mapagkakatiwalaang Customs dahil ang PCL ang magsisilbing hadlang laban sa technical smuggling sa pamamagitan ng teknolohiya.