Hindi pa rin normal ang operasyon ng Philippine Embassy sa Riyadh matapos na magpositibo sa COVID-19 ang ilang tauhan ng embahada.
Ayon sa Philippine Embassy, sa ngayon ay naka-quarantine pa ang kanilang mga tauhan na na-infect ng virus.
Bunga nito, pinalawig ng embahada ang suspension ng lahat ng kanilang serbisyo hanggang sa July 15.
Layon nito na hindi malagay sa kompromiso ang kalusugan ng kanilang mga kliyente at ng iba pang tauhan ng embassy.
Facebook Comments