Iginiit ni Senator JV Ejercito sa Department of Transportation o DOTr ang operasyon ng Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX na nagsimula Nobyembre ng nakaraang taon.
Ang PITX ang unang integrated at multi-modal terminal sa Metro Manila na nagsisilbing transfer point ng mga provincial buses mula Cavite, Batangas at in-city modes of transportation.
Diin ni Ejercito, dapat magsagawa muna ng malawakang konsultasyon, pag-aaral at pagpaplano para magkaroon ng mas mainam na operational procedures sa nasabing terminal.
Tugon ito ni Ejercito, sa reklamo ng mga pasahero kaugnay sa kawalan ng transfer trips patungong PITX at iba pang problema.
Ayon pa kay Ejercito, kailangan umanong magkaroon ng shuttle bus na magdadala sa mga pasahero mula sa iba’t-ibang business districts tulad ng Makati, Ortigas at Bonifacio Global City patungo sa PITX.
Pinasisiyasat din ni Ejercito sa DOTr ang mga ulat na ilang piling kumpanya lang ng bus ang pinapayagang pumasok sa terminal na matatagpuan sa kahabaan ng coastal road.