Manila, Philippines – Kinansela na ng pamunuan ng Philippine National Railways o PNR mula sa Laguna hangang Manila dulot ng magdamag na walang humpay na buhos ng ulan dahil sa bagyong Maring.
Ayon kay PNR Gen. Manager Junn Magno umapaw ang ilang mga tulay na daanan ng tren sa Calamba, Laguna kayat matatagalan pa umano maiaalis ang mga nakabarang mga basura dulot ng pagbaha.
Paliwanag ni Magno hindi rin basta maitatawid ang mga tren ng PNR sa kanilang mga tulay dahil sa patuloy na imomonitor ang volume ng tubig na posibleng umapaw.
Dagdag pa ni Magno na dito sa Manila ay nakapagtala sila ng mataas na pagbaha sa kanilang riles na umabot sa 3 pulgada sa Laon laan sa Sampalok, 7 pulgada naman sa España, 5 pulgada sa Paco, habang Edsa ay nasa tinatayang 16 na pulgada ang baha na hindi kayang bagtasin ng PNR train.
Anya sakaling humupa na ang mga pagbaha at matiyak na hindi na lalakas ang ulan at aapaw ang tubig baha sa dadaanan ng train ay magpapalabas ang PNR na panibagong advisory.