Operasyon ng POGO, dapat suspendehin sa harap ng nabunyag na katiwalian sa BI

Iginiit ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva na mas tumitindi ngayon ang basehan at pangangailangan na suspendihin ang opersyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Pahayag ito ni Villanueva makaraang mabulgar ang katiwalian ng ilang tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na pinagkakakitaan ang pagpasok ng mga Chinese nationals sa bansa para ilegal na makapagtrabaho sa POGO.

Dismayado si Villanueva na kasabay ng pag-unlad ng industriya ng POGO simula noong 2016 ay ang paglitaw ng kaliwa at kanang katiwalian sa BI.


Katwiran pa ni Villanueva, dapat munang ihinto ang operasyon ng POGO hangga’t hindi ito nare-regulate ng pamahalaan.

Diin ni Villanueva, bukod sa hindi pagbabayad ng buwis ay patuloy din ang paglabag ng POGO sa ating mga batas.

Facebook Comments