Operasyon ng POGO sa bansa, kinontra din ni Representative Barbers

Kaisa si Surigao del Norte 2nd District Representative at House Committee on Dangerous Drugs Board Rep. Robert Ace Barbers sa mga komokontra sa pagpapatuloy ng operasyon sa bansa ng POGO o Philippine Offshore Gaming Operators.

Sabi ni Barbers, noon pa man ay buo na ang kaniyang paniniwala sa hindi magandang idudulot ng POGO sa bansa gaya ng kidnapping, human trafficking at illegal drug trade.

Binanggit ni Barbers ang mga report na nag-uugnay umano sa POGO sa operasyon ng mga Chinese drug syndicate at nagagamit din ito sa kanilang money laundering activities.


Diin pa ni Barbers, bigo rin tayong makakolekta ng bilyun-bilyong piso mula sa POGO operations.

Facebook Comments