Tuluyan nang ipinatigil ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa buong bansa.
Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) kahapon, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na kailangan nang itigil ang panggugulo at paglalapastangan ng mga POGO sa bansa.
Bunsod nito, inatasan ng pangulo ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na buwagin ang operasyon ng lahat ng POGO bago matapos ang taon.
Habang pinatutulungan naman niya sa Department of Labor and Employment (DOLE) at economic managers ang mga manggagawang Pilipino na maaapektuhan ng tuluyang pagsasara ng mga POGO.
Facebook Comments