Ipinadedeklarang ilegal ng 30 kongresista ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.
Sa ilalim ng “Anti-Pogo Act of 2020”, nais ng mga mambabatas na ipagbawal ang operasyon ng pogo na itinuturong dahilan ng paglala ng kriminalidad at katiwalian sa bansa.
Kabilang dito ang Offshore Gaming sa kahit anong paraan, pagiging service provider ng offshore gaming operations at pagtatayo ng POGO hub.
Pinare-revoke rin ang lisensya ng mga foreign-based operators, local gaming agents, POGO at mga service provider.
Pagbabawalan din ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Bureau of Immigration (BI) na magbigay ng work permit sa mga negosyong may kaugnayan sa POGO.
Sa ilalim din panukala, bubuo ng Inter-Agency Task Force (IATF) POGO na pamumunuan ng kalihim ng Department of Justice (DOJ) para matiyak na hindi makakalusot ang operasyon ng POGO sa bansa.