Pinalakas ang operasyon ng Police Regional Office 1 (PRO-1) sa pamamagitan ng pagpapasakamay ng iba’t ibang information and communication technology (ICT) equipment sa isinagawang turnover ceremony noong Lunes, Enero 5, 2026, sa San Fernando City, La Union.
Ang mga kagamitang ipinamahagi ay kinabibilangan ng printers, scanners, biometric fingerprint scanners, webcams, tripods, at USB SSD storage devices.
Ang naturang ICT equipment ay opisyal na ibinigay sa apat na Provincial Police Offices (PPOs) at isang District City Police Office (DCPO) sa ilalim ng PRO-1.
Ayon sa PRO-1, ang pamamahagi ng mga kagamitan ay bahagi ng patuloy na hakbang upang mapahusay ang kakayahang operasyonal at mapaigting ang mga gawaing administratibo at imbestigatibo ng mga yunit ng pulisya sa rehiyon.
Sinaksihan ang turnover ceremony ng mga miyembro ng Command Group, R-Staff, at iba pang tauhan ng Police Regional Office 1.
Facebook Comments







