OPERASYON NG PUV TERMINALS SA ILOCOS REGION, BINABANTAYAN NGAYONG HOLIDAY RUSH

Ipinakalat sa iba’t-ibang terminal sa Ilocos Region ang mga personnel ng Land Transportation Office Region 1 upang bantayan ang operasyon ng mga Public Utility Vehicles maging ang estado ng mga driver at konduktor sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong holiday rush.

Kabilang sa mga tinitignan ang pagtitiyak na roadworthy o kakayanin ng mga bumabyaheng pampasahero o pribadong sasakyan ang mahabang biyahe nang maiwasan ang aksidente sa mga kakalsadahan.

Bukod dito, nagsasagawa rin ng fitness check ang tanggapan sa mga driver habang naglatag din ng helpdesk sa mga pampublikong lugar na aalalay sa pangangailangan ng mga komyuter.

Iginiit ng tanggapan ang pagpapatupad ng batas at matulungan makamit ang ligtas na pagbiyahe anuman ang okasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments