Operasyon ng RITM, muling nilimitahan makaraang magpositibo sa COVID-19 ang tauhan nito

Muling nilimitahan ang operasyon ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) makaraang magpositibo sa COVID-19 ang tauhan nito at nasira rin ang kanilang testing machines.

Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, binabantayan nila ang sitwasyon sa RITM kasunod ng testing backlogs sa bansa.

Dahil dito, nagpatupad ng “zoning” system ang DOH kung saan ire-refer ang mga specimen sa ibang laboratoryo ang backlog sa RITM.


Matatandaang nagbawas ng operasyon ang RITM nitong Abril nang tamaan ng COVID-19 ang nasa 40 empleyado nito.

Facebook Comments