OPERASYON NG SEAPORT INTERDICTION UNIT SA SUAL, SINILIP NG PDEA REGION 1

Sinilip ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 1 ang operasyon ng Seaport Interdiction Unit II sa Sual, Pangasinan bilang bahagi ng pagpapatibay ng pagbabantay sa mga pantalan sa rehiyon laban sa iligal na droga.

Sa isinagawang opisyal na pagbisita, personal na inalam ng pamunuan ng PDEA Region 1 ang kalagayan ng operasyon ng pantakan, kabilang ang mga kasalukuyang hakbang, hamon sa port interdiction efforts, at mga estratehiya upang higit pang mapalakas ang monitoring at intelligence coordination.

Binigyang-diin ng ahensya ang mahalagang papel ng mga seaport bilang pangunahing entry at exit points na maaaring daanan ng ilegal na droga at iba pang kontrabando, kaya kinakailangan ang mahigpit na pagbabantay, maayos na koordinasyon, at pagsunod sa standard operating procedures.

Nagsilbi rin ang pagbisita upang palakasin ang moral ng mga tauhan at tiyakin ang patuloy na suporta ng Regional Office sa naturang yunit. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments