Operasyon ng Small Town Lottery sa Isabela, Ipinatigil na ng PCSO

Cauayan City,Isabela- Tuluyan ng ipinatitigil ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang operasyon ng Small Town Lottery maliban sa Santiago City na nasa ilalim ng Sahara Games and Amusement Philippine Corporation na siyang namamahala sa operasyon sa lalawigan ng Isabela.

Ito ay makaraang mag-isyu ng ‘Final Notice of Termination’ si PCSO General Manager Royima Garma kung saan ito na ang huling araw ng STL draw, March 23,2021.

Base sa liham na pinadala ni Garma sa pamunuan ng SAHARA, nakasaad dito na bigo umano ang kumpanya na mai-remit ng buo at wala sa takdang oras ang Guaranteed Minimum Monthly Retail Receipt (GMMRR) na nakasaad sa napagkasunduan ng PCSO Board of Directors.


Matatandaang kinuwestyon ng Provincial Government ang umano’y iligal na operasyon ng SAHARA sa ilang bahagi ng Isabela.

Facebook Comments