OPERASYON NG TASK FORCE DISIPLINA SA BAYAMBANG , MAS PAIIGTINGIN NGAYONG TAON

Asahan ang mas striktong pagpapatupad ng mga ordinansa at polisiya para sa maayos at disiplinadong mga residente sa Bayambang ngayong 2026 kasunod ng mas pinatinding pagtutok ng Task Force Disiplina.

Sa isang pagpupulong ng mga ahensya, tinalakay sa pagpupulong ang progresong naidulot sa pangangasiwa ng trapiko mula sa pagkakabit ng traffic signal lights sa mga pangunahing intersections sa bayan.

Mula naman sa nakalipas na pagdaos ng holiday season, bagaman nakapagtala ng isang insidente ng homicide, ay itinuturing naman itong isolated case ng kapulisan. Xero casualty din ang naitala mula sa indiscriminate gun firing at drunk driving, at anim na minor injuries lamang na naitala kaugnay ng paggamit ng paputok.

Dagdag pa rito ang pagtutok sa crime incidence rate, pagpapatupad ng mga ordinansa at visibility patrols.

Ngayong taon, paiigtingin pa ang ugnayan ng mga ahensya para sa wastong pagpapatupad ng mga ordinansa para sa kapakanan ng mga residente.

Facebook Comments