Operasyon ng terminal ng mga modern jeep sa Araneta City, magbabalik normal na bukas – LTFRB

Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na balik na sa normal bukas ang mga biyahe ng mga modernized jeepney sa Araneta City, Cubao, Quezon City sa kabila ng nangyaring pagkasunog sa kanilang terminal.

Inanunsyo ni LTFRB Chairman Atty. Teofilo Guadiz III na sa ginawa nilang joint site inspection kasama ang mga kinatawan ng Araneta bus management, nakita nila na maayos na ang sitwasyon ng mismong terminal.

Dahil dito, nagkasundo sila na hindi na kinakailangan pang ilipat ang pansamantalang terminal.


Inaasahan din na magiging “fully operational” ang terminal sa araw ng Linggo, Enero 12, na makapagbibigay ng tuloy-tuloy na serbisyo sa mga pasaherong tumatangkilik.

Facebook Comments