
Nananatiling normal ang operasyon ng mga transmission lines at pasilidad ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Una rito, sinabi ng power system operator na bago pa man ang pagtama ng bagyo ay tiniyak na nila ang reliability ng kanilang communications equipment, availability ng hardware materials, at supplies na gagamitin sa sandaling magkaroon ng damage sa kanilang pasilidad.
Naka-standby rin ang kanilang line crews sa mga strategic areas para sa pag-aayos ng mga posibleng masirang linya ng kuryente.
Kaninang madaling araw nang tumama ang Bagyong Mirasol sa Casiguran, Aurora.
Facebook Comments









