Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na pansamantalang suspendido ang operasyon ng Tuguegarao Airport dahil sa magdamag na pagbuhos ng malakas na ulan doon.
Ayon sa CAAP, kanselado rin ang biyahe ng C130 na maghahatid sana sa Presidential Security Group advance party ni Pangulong Bongbong Marcos para sa 36th Cordillera Day Anniversary sa Luna, Apayao.
Kinumpirma rin ng CAAP na ang Laoag, Vigan at Lingayen airports ay nakakaranas ng moderate to heavy rains.
Habang ang Baguio at Rosales airports ay nakararanas naman ng cloudy skies na may kalat-kalat na pag-ulan.
Facebook Comments