OPERASYON NG UMINGAN SUPER HEALTH CENTER, NAGSIMULA NA

Napapakinabangan na ng mga residente sa Umingan ang iba’t-ibang healthcare services sa pagsisimula ng operasyon ng Super Health Center sa Brgy. San Vicente.

Tampok sa pasilidad ang medium-type clinics para sa mga serbisyong medikal tulad ng x-ray, ultrasound, laboratory, birthing facility, diagnostic, at iba pa.

Ang Super Health Center ay pinangangasiwaan ng lokal na pamahalaan katuwang ang Department of Health sa pagpapatupad ng mga proyektong pangkalusugan.

Ang naturang pasilidad sa Umingan ay ang ika-siyam na Super Health Center sa Pangasinan na pinondohan mula sa national budget noong 2022.

Umabot din sa higit isang taon ang konstruksyon na sinimulan noong Abril 2023 at natapos sa parehong buwan noong 2024.

Bukod sa Super Health Center, tuloy-tuloy din ang iba pang proyektong pangkalusugan sa bayan sa pagpapatayo ng Umingan Super Community Hospital na target makapagbigay-serbisyo sa mga residente sa ika-apat hanggang ika-anim na distrito ng Pangasinan.

Kaugnay nito, bukas ang Super Health Center tuwing Lunes, mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Facebook Comments