
Nagsagawa ng lingguhang regular session ang Sangguniang Panlungsod ng San Carlos City noong Abril 6, 2026, kung saan tinalakay ang iba’t ibang usaping may kinalaman sa lungsod.
Kabilang sa mga dumalo sa sesyon ang mga kinatawan ng iba’t ibang water refilling stations na nag-ooperate sa siyudad. Inilahad ng mga ito ang mga suliraning kinakaharap sa kanilang operasyon.
Bilang tugon, nagbigay ng mga komento ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at nagmungkahi ng mas masusing pag-aaral sa kanilang sitwasyon upang makabuo ng angkop na mga hakbang at resolusyon.
Layunin ng naturang talakayan na matugunan ang mga isyu sa sektor ng water refilling stations at matiyak ang maayos at ligtas na serbisyo para sa publiko sa San Carlos City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










