OPERASYON SA BILIBID | Komite na tututok, inirekumenda

Manila, Philippines – Inirekomenda ni Justice Committee Chairman Reynaldo Umali ang pagbuo ng oversight committee na tututok sa mga operasyon sa New Bilibid Prison.
Kasunod na rin ito ng pagkakabunyag sa Kamara na may transaksyon pa rin ng iligal na droga sa NBP at idinadaan ito sa pamamagitan ng tawag o text.

Sa interview ng RMN kay Umali, layon nitong direktang malaman at matutukan ang pamamalakad sa munti upang agad na maaksyunan kung magkakaroon ng problema.

Nanawagan din ang mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte na italaga na si PNP Chief Ronald Dela Rosa sa Bilibid.


Facebook Comments