Hindi pa rin bumabalik sa normal ang operasyon sa NAIA 3 matapos na mawalan ng supply ng kuryente kagabi.
Hanggang sa ngayon kasi ay mahaba pa rin ang pila sa immigration counters.
Inupakan naman ng mga pasahero ang mabagal na aksyon ng airport authorities.
Anila, nagtataka rin sila kung bakit wala man lamang naka-standby na generator sets sa paliparan.
Libu-libong mga pasahero na patungo sa mga lalawigan at iba’t ibang bansa ang naapektuhan ng naturang aberya.
Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang Meralco at Manila International Airport Authority hinggil dito.
Facebook Comments