Manila, Philippines – Inihayag ng Armed Forces of the Philippines na prayoridad pa rin sa ngayon ang pagliligtas sa may 80 bihag ng Maute terror group sa Marawi City.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Brigadier General Restituto Padilla sa Mindanao Hour sa Malacanang, sa ngayon ay nagpapatuloy ang operasyon ng tropa ng Militar sa lungsod upang ligtas na makuha ang mga bihag.
Sa ngayon aniya ay aabot sa 40 – 60 terorista nalang ang nasa lungsod at patuloy nang lumiliit ang iniikutan ng mga ito.
Sinabi pa ni Padilla na nagkukubli ang mga ito sa malaking Mosque na hindi naman nila maaaring bombahin dahil isa itong sagradong lugar at nandoon din ang mga bihag na hindi dapat masaktan.
Facebook Comments