Operasyon sa Pawas sa buwan ng Ramadan, nagkataon lamang- 6th ID Commander

Humihingi ng pang-unawa si 6th ID Commander BGen Cirilito Sobejana sa publiko lalong lalo na sa mga naapektuhang mga sibilyan bunsod sa isinagawang operasyon ng military kontra sa mga tagasuporta ng DAESH-IS at BIFF sa Liguasan Area o Pawas na nagkataon sa pag-oobserba ng Ramadan.

Ang operasyon ay para matiyak lamang ang kaligtasan ng nakakarami kasabay ng banta ng terorismo bunsod na rin sa kaliwat kanang pagkakatagpo ng Improvised Explosive Devise sa AOR ng 6th ID sa nakalipas na mga araw sa panahon din ng Ramadan, giit pa ni BGEN Sobejana sa panayam ng DXMY RMN Cotabato .

Ramdam rin aniya ng mga sundalo ang paghihirap ng mga sibilyan lalong lalo na ang mga nag-aayuno ngunit wala silang magawa kundi gawin ang resposibilidad para na rin sa kaligtasan ng nakakarami at katiwasayan ng buong nasasakupan ng 6th ID dagdag ng heneral.


Kaugnay nito umaasa si BGen. Sobejana na maiintidihan ito ng publiko at maunawaan at kanilang ginagawang pagsisikap.

Matatandaang nabulabog ang libong mga pamilya mula sa tri-boundaries ng mga lalawigan ng Maguindanao , North Cotabato at Sultan Kudarat matapos magsagawa ng operasyon ang military sa pagawaan ng bomba ng BIFF sa Pawas area na nagresulta sa pagkakasawi ng 15 myembro ng BIFF.

6th ID Pics

Facebook Comments