Manila, Philippines – Balik-normal na ang operasyon sa international runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Una rito, 24 na international at domestic flights ang naapektuhan matapos na tatlong oras na isinara ang runway 06/24.
Isinailalim kasi ito sa emergency repair dahil sa panibagong bitak sa runway.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines Spokesman Eric Apolonio – lifted na ang Notice To Airmen na ini-isyu ng CAAP kaninang umaga.
Gayunman, ilang flights pa rin ang delay nang isang oras kabilang ang biyaheng Davao-Manila, Manila-Cebu at vice versa at Manila-Hong Kong.
Facebook Comments