
Simula bukas ay epektibo na ang bagong operating hours ng LRT line 1 tuwing weekdays.
Kung saan ang huling biyahe ng tren mula sa dulong istasyon na Dr. Santos Avenue sa Parañaque City ay magiging 10:30 na ng gabi mula sa dating alas 10:00 ng gabi.
At ang huling biyahe ng tren mula sa dulong istasyon sa Quezon City na Fernando Poe Jr. Ay hanggang 10:45 na ng gabi mula sa dati nitong oras na 10:15 ng gabi.
Wala namang gagawin pagbabago sa operating hours nito sa umaga at mananatili pa rin ito tuwing alas-4:30 ng madaling araw kapag weekdays.
Ayon sa Light Rail Manila Corporation, ito ay kanilang tugon sa panawagan ng Department of Transportation (DOTr) na habaan pa ang operating hours ng mga tren upang maserbisyuhan ang mas maraming pasahero.
Facebook Comments