Manila, Philippines – Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa mga lokal na pamahalaan na pahabain ang operating hours ng health centers.
Ito ay upang marami pang magulang ang sumadya para mabakunahan ang kanilang anak.
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III – pinatitiyak niya sa mga regional directors na humiling sa mga alkalde kung maaring i-extend ang hours ng mga health centers.
Aminado pa si Duque na hindi pa kontrolado ang tigdas outbreak.
Base sa datos ng DOH Epidemiology Bureau, aabot sa 4,302 kaso ng tigdas sa buong bansa kung saan 70 na ang nasawi mula Enero a-uno hanggang Pebrero a-siyam.
Ang National Capital Region (NCR) pa rin ang may pinakamataas na kaso (1,296 cases; 18 deaths), Calabarzon (1,086 cases; 25 deaths), Central Luzon (481 cases; 3 deaths), Western Visayas (212 cases; 4 deaths) at Central Visayas (109 cases; 2 deaths).
Tiniyak din ng DOH na may sapat ng supply ng bakuna para sa tigdas.